warning : long post at mejo madrama ito. tsktsk!
nitong mga nakaraang araw hindi ko talaga alam ang dapat kong maramdaman. minsan napaka-positibo ko sa kabila ng lahat pero may mga pagkakataong napaka-negatibo ko. manhid na lang sana ako. walang pakiramdam. walang lungkot. walang ganitong drama. nakakapagod na eh.
minsan negatibo..

Ang hirap. Ang hirap malagay sa ganitong sitwasyon. May mga sandaling hopeful ako pero may mga sandaling feeling ko napaka-loser kong tao, tulad ngayon. Kung tutuusin ako naman ang may kasalanan ng lahat. Ako naman ang may kagagawan. Pero bakit ganito? Bakit hindi ko matanggap? Sobrang nagbago na ba ako? Ang sama ko na ba talaga? Nasan na ang dating ako? Kakayanin ko kaya? Mapapatawad ko pa ba ang sarili ko? Kailan ulit ako lubos na magiging masaya. Ang tanga ko. Ang loser ko. Ang Iyakin ko. Ang pessimist ko. Ang selfish ko. Amp. Sna maglaho na lang ako. ayoko na pagod nako sawa nako. i am wasted. failure sucks.
minsan naman positibo..
kaya mo yan. pagsubok lang yan. sa bawat pangyayari sating buhay maganda man o pangit ay may aral na mapupulot dyan. alam ko minsan feeling mo hindi mo na kaya. minsan ayaw mo ng ngumiti. madalas nais mo lang mag-isa. pero tingnan mo. may nangyayari ba? magsimula ka na lang muli. kung ano man ang mga pagkakamali mo, tamain mo. Alam ko minsan parang imposible na ang lahat. pero alam mo namang posible pa din diba? may pag-asa pa naman diba. May dahilan kung bakit nangyayari ang lahat. ibalik mo ang dating ikaw o kung hindi mo na kya ibalik. magsimula ka ulit. bagong ikaw, mas matatag, mas madiskarte. mas matapang. At kung pwde lang isaksak mo ito sa kukute mo : “There are no mistakes. The events we bring upon ourselves, no matter how unpleasant, are necessary in order to learn what we need to learn; whatever steps we take, they're necessary to reach the places we've chosen to go.” Madami ka nang napagdaanan. kaya mo yan noh! At isa pa wag mong kalimutang magdasal. kapit lang. kapit lang. ganyan talaga ang buhay yung mga plano mo sa sarili mo minsan hindi magwowork-out. Yan ang thrill, excitement. Ang boring naman kung laging msaya. baka wala ka ng matutunan. paano mo malalaman ang sarap na tagumpay kung hindi mo naman natikman ang pait ng pagdurusa? go on girl.. go on!
ayan kahit papano nalaman mo na kung pano ko kausapin ang sarili ko sa isip. hehe. slightly nakakabaliw na nga eh. pero ganito siguro talaga. kailangan maging ok. hmm..ok..ok.."ok lang", madalas kong sabihin kapag may nagtanong kung kamusta na ko. pero ang totoo. hindi ako ok. nagpapaka-ok lang. kapag sinabi kong hindi ako ok, kailangan ko pa ipaliwanag sa kanila isa-isa. ang problema ko. kailangan ko pa ipaintindi na ganito-ganyan, wag na lang, super stress na ko. intindihin nyo na lang kahit mahirap intindihin.
optimism vs pessimism. mas gusto ko ung optimism siyempre pero minsan sadyang hindi mapigilan na mag-isip nang hindi maganda. sometimes i feel so strong. but sometimes i feel so weak. so lost. so confused. minsan ayoko na lang isipin. ayoko na lang pag-usapan. hay buhay nga naman. ang emo-emo ko na tuloy. pero alam mo may narealize ako. alam ko na'to dati pero iba pala yung impact ng mga aral sa buhay kapag sa'yo na nangyari: ang mga mistakes ay nais sating iparealize na sa buhay. walang rewind. reset. pause. flashback. hindi mo na mababago ang nakaraan kaya naman ingat ka sa mga desisyon at hakbang mo. pahalagahan ang kasalukuyan. mabuhay sa kasalukuyan.
Pagsubok
Isip mo'y litong lito
Sa mga panahong nais mong malimot
Bakit ba bumabalakid
Ang iyong mundong ginagalawan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Sulirani'y di mapigilan
Itanim mo lang sa 'yong pusong
Kaya mo yan....
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko....sadyang labanan
Huwag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran
Ng ating ama na siyang lumikha
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan....

No comments:
Post a Comment