Marami akong ginawa na hindi ko dapat ginawa. Marami akong nasabi na hindi ko dapat sinabi.Marami akong hindi ginawa na dapat ginawa ko. Marami akong hindi sinabi na dapat sinabi ko. Marami akong nasaktan. Marami akong pinagsisisihan. Madami akong gustong baguhin sa nakaraan. Pero hindi ko na yun mababago pa. Ang kaya ko lang, mabuhay sa kasalukuyan at harapin ang kinabukasan.
Maraming salamat sa mga kaibigan ko..Hindi nyo ako iniwan at hindi kinakalimutan. Da best ang mga ala-ala natin. Da best kayo. Maraming salamat sa mga bloggers.. Hindi nyo man ako kilala ng personal at minsan lang ako magparamdam. Gusto ko malaman nyong madami akong natututunan sa inyo. Marahil ay isa ka sa kanila. Salamat talaga. Maraming salamat sa mga kamag-anak ko, sa mga kapatid ko.. miss ko na kayo. Mama, Papa.. kulang ang mga salitang ‘mahal ko kayo’ at ‘salamat’. At kahit kailan ay hindi ko matutumbasan lahat ng sakripisyo ninyo pero ibibigay ko lahat ng makakaya ko para sa mga pangarap natin. Patawad sa mga taong nasaktan o nainis ko.. Pasensya na hindi ko sinasadya. Sa mga nakasakit naman sa akin. Salamat pa rin. Patas na lang. At higit sa lahat maraming salamat sa Panginoon.. Salamat po sa karagdagang taon, sa mga karanasan at sa pagkakataong mabuhay. Salamat po sa lahat.
Kayong lahat ay inspirasyon ko. Kayo ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay.
Panahon na para gawin ko ang mga bagay na dapat ko gawin at sabihin ang mga kailangan kong sabihin. Panahon na para bumawi ako sa mga pagkukulang ko sa inyo at sa sarili ko. Bagong taon, Bagong simula at maraming magbabago. Maligayang ika-dalawampung kaarawan sa akin. Ayos!

No comments:
Post a Comment