Sobrang daming nangyari simula nung huli kong post. Hindi ko na ikwekwento pa. Basta hindi kami nagkasundo ni Kapalaran. Sa katunayan, simula pa lamang ng taon ay sari-saring emosyon na ang naramdaman ko at sa mga emosyon na iyon ay laging nangingibabaw ang kalungkutan. Sinusubukan ko pa lang bumangon mula sa paulit-ulit na pagkadapa noong nakaraang taon sabay biglang boom! Anyway, anyway, kasalukuyan na akong nasa proseso nang paghilom, pag-aayos at pagbabalik sa mga bagay-bagay sa dapat nilang kalagyan. Dapat ay maging balanse na ulit ang lahat. Anu nga ba ang nangyari sa akin? Mahirap ipaliwanag kaya huwag mo na lang itanong. Kahit kailan hindi ko kinailangan ang panghuhusga ng sinuman. Sabi nga, may karapatan akong sumemplang na walang magbibilang kung ilang beses na akong sumemplang. Hay sa totoo lang ayoko ng sumemplang. Anyway, anyway..
Si Essa, ako at ang sarili ko ay may munting proyekto sa taong ito na pinamagatang, ME, MYSELF & I. Bawat buwan ay magpopost ako ng mga bagay-bagay tungkol sa akin, mga nararamdaman ko, mga paniniwala, kawirduhan at kung anu-anung pa basta tungkol sakin. At ito ang entry ko para sa buwan ng Enero.
Me, Myself and I 101.
1. Minsan kapag nasa jeep. Iniisip ko kung anong ang iniisip nang bawat taong kasabay ko. Iniisip kaya niya ang hirap sa buhay, problema, saya, minamahal, mga kailangan gawin, pangarap, mga pagsisisi o kaya naman baka pareho lang kami ng iniisip.
2. Puting palda at blusa ang uniporme namin nung highschool pero pangarap ko pa din ang magsuot ng uniporme ng mga nars, yung may puting stockings at cap.Gusto ko magpapicture na ganun ang suot ko.
3. Kare-kare with bagoong, Ice-cream, Cake, Sinigang with Gabi, Spagetti with cheese, sunny-side up, half-cook egg, beefsteak, bavarian doughnuts, mashed potato, sisig, coffee, shakes, kalamansi juice at hot chocolate ay ilan sa mga paborito ko at hindi pagsasawaang mga pagkain at inumin.
4. Sa Local Showbiz, idolo ko sina Sarah Geronino, Bianca Gonzalez, Heart at Kc Concepcion.
5. Mahilig ako manood ng mga teleserye at asianovela. Trip ko din manood ng mga reality shows/contests tulad ng pbb, pda, pff, at ai.
6. Ang kurso at magiging trabaho ko ay hindi man lamang sumagi sa isipan ko noon.
7. Sa loob ng 10-15 oras ay kaya kong tumagal sa paggamit ng computer. Bisyo na nga ito. Hahaha.
8. Umaabot ako ng isang oras sa pagligo. Minsan. Minsan? Minsan.
9. Mahilig ako magbasa at magsulat.
10. Gusto ko matuto ng Photography.
11. Magaling ako magtago ng tunay kong nararamdaman. Masaya kahit malungkot. Ganun.
12. Likas sa akin ang pagiging masayahing tao.
13. Hindi ako marunong magalit. Tampo at inis lang. Kaya kung magagalit man ako sa’yo. Major yun! Lagot ka! Hehehe. Pero hindi nga mangyayari yun dahil hindi ako marunong magalit. Pero malay mo.
14. Naengganyo ako isulat ito sa tagalog dahil sa mga Pinoy Blogs na kamakailan ko lang nadiskubre.
15. Masaya ako sa paglalaan mo nang oras sa pagbisita dito at sa pagbabasa. Maraming Salamat!
16. Pero mas magiging masaya ako kung sasamahan mo ako sa munting proyektong ito at gagawa ka din nang sarili mong listahan buwan-buwan ng mga kung anu-ano basta tungkol sa’yo. ( =

1 comment:
Hi Essa, thanks so much for voting for me, have a great day! :)
Post a Comment