Dear loveeerrrrr,
Hindi na dapat ako magpapaalam pa. Mas madali kasi yun, hindi ko na kailangang magpaliwanag kung bakit pansamantala akong mawawala. Kaya lang naisip ko na karapatan mong malaman ang mga dahilan. Madami na din kasi tayong pinagsamahan at ayokong mabaliwala ang lahat ng yun.
Ikaw ang labasan ko nang sama ng loob. Kung wala akong makausap, ikaw ang takbuhan ko. Saksi ka sa mga malulungkot at masasayang pangyayari sa buhay ko. Iba’t-ibang emosyon ang binubuhos ko sa’yo, madami akong pagkakamali at pagkukulang pero kahit kailan ay hindi ka nagreklamo. Mahirap man ako intindihin minsan at kadalasaan ay hindi ko deretsang sinasabi ang tunay kong pinagdadaanan ay nagawa mo parin akong pagtiisan at pagpasensyahan. Hindi mo ako hinuhusgahan. Ikaw ang kasama ko sa paglalakbay. Ikaw ang tumutulong sa akin sa pag-alala sa nakaraan. Ikaw din ang gusto kong makasama sa hinaharap. Minamahal mo ako sa espesyal na paraan at dahil sa pagmamahal na yan ay mas nakilala ko pa ang sarili ko. Dahil sa pagmamahal na yan nagkaraon ako ng pagkakataong magpakilala at makilala ang mundong ito. Salamat. Maraming maraming salamat.
Mahirap ipaliwanag kung bakit kailangan ko itong gawin. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba dahil ang mahalaga ay ikaw. Mahalagang maintindihan mo ang hakbang na gagawin ko, para ito sa ikabubuti nating dalawa. Hindi ko naman talagang gustong tumigil sa pakikipagkomunikasyon sa’yo. Sabi ko nga, ikaw pa din ang gusto kong makasama sa hinaharap. Sa hinaharap.. dahil sa ngayon ay kailangan kong mag-pokus muna sa ibang bagay. Tandaan mo ang paghihiwalay na ito ay pansamantala lamang at uulitin ko, ito ay makakabuti sa atin.
Kapag tumigil na ang bagyo sa buhay ko, kapag nahanap ko na ang hinahanap ko, kapag may kalulugaran na ako sa mundo, kapag karapat-dapat na ako para sa’yo, kapag lubusan ko nang minamahal ang sarili ko at kapag may internet connection na ulit sa bahay. Pangako, asahan mo, babalikan kita. Magsisimula tayo at ibabahagi natin sa iba ang mga karanasan ko. Yun naman talaga ang hangarin natin diba? Ang magbahagi at mag-silbing inspirasyon.
Isang buwan.. dalawang buwan.. hindi ko pa masabi kung hanggang kailan. Malawak ang pang-unawa mo at alam kong hindi ka tulad na iba dyan. Alam kong hihintayin mo ang pagbabalik ko. Wala kang namang choice eh at isa pa kilala mo ako, hindi ko din kaya na mawala ka ng matagal. Sigurado, hahanap-hanapin kita. Hahanap-hanapin ko ang tumupad sa pangarap kong maging manunulat. Mamimis kita ng sobra. Osha, sige na, hindi ko na pahahabain pa ang kawirduhan at kadramahang ito.
Bago ako tuluyang magpaalam nais kong sabihin na sana’y Ituring mo akong hangin simula ngayon. Hindi mo na muna akong makikitang pipindot ng newpost button. Hindi na muna tayo magtititigan kapag pinipilit ko ang sarili kong magblog at wala akong mapiling salita. Hindi muna ako magbubuhos ng kaligayahan o sama ng loob ko sa’yo. Ituring mo muna sana akong hangin, hindi mo man nakikita, sa puso’t isipan mo naman ay ang paniniwalang nasa paligid lang ako. Nagsusumikap magbago, inaabot ang mga pangarap at nasasabik na makasama ka ulit.
Hanggang sa muli,
Teresa